Dating Pangulong Rodrigo Duterte nanatili pa rin sa kustudiya ng ICC

Nananatili si Dating Pangulong Rodrigo Duterte sa kustudiya ng International Criminal Court matapos ang naging pahayag ni dating Executive Secretary Salvador Medialdea na wala ito sa ICC Detention Center na kanya sanang itong bibisitahin.

Ayon naman sa ICC mananatili umano ang dating pangulo sa pangangalaga nito sa ICC Detention Center sa Scheveningen.

Samantala, hiniling umano ng dating Pangulong Duterte sa Embahada ng Pilipinas sa Netherlands na makausap ang consular officer officer kung saan nakatanggap sila ng tawag dakong 10:44 ninyong gabi ng huwebes oras sa Pilipinas.

Sumailim siya sa medical check-up at naging mabuti naman ang lagay ng kanyang kalusugan.

Humirit din ito sa Registry ng International Criminal Court na magsagawa ng isang consular visit.

Kasama rin na hiniling ng dating pangulo na kung maaari ay bisitahin siya ng kaniyang mga abogado at miyembro ng pamilya.

Kinumpirma rin ng Embahada na nakausap ng dating pangulo ang dating Executive Secretary Salvador Medialdea na tumatayo rin bilang isa sa mga abogado niya.

Ayon kay ICC Spokesperson Fadi El Abdallah, ang pagsasailalim sa medical check-up kay Duterte ay isang standard practice mara matiyak na protektado ang kaniyang kalusugan.

Back To Top