Pinatotohanan ng International Criminal Court (ICC) na naglabas sila ng arrest warrant laban kay dating Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa Crime Against Humanity sa kasagsagan ng madugong giyera kontra droga.
Ayon kay ICC Spokesperson Fadi Abdullah, kaagad umano silang magsasagawa ng schedule ng initial appearance hearing kapat nasa kustodiya na nila ang dating pangulo.
Matatandaan kahapon, araw ng martes ay inaresto ang dating pangulo pagdating nito sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) mula Hongkong at kaagad naman itong inilipad patungo ng Netherlands upang litisin sa kasong kinakaharap nito.