Extended ang pagtanggap ng Commission on Election ng mga forms ng local absentee voting hanggang March 17 batay na rin sa Comelec Resolution 11120 ng ahensiya.
Ayon sa COMELEC pinalawig nila ang pagsusumite ng absentee voting bilang tugon sa kahilingan ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno, mga opisina at departamento.
Kinokonsidera din nila umano ang obserbasyon ng Mahal na araw mula Abril 17 hanggang Abril 20.
Ayon pa dito pati ang beripikasyon ng mga local absentee voting ay pinalawig mula Abril 8 hanggang 11.
Ang local absentee voting ay mula Abril 28, 29 at 30 sa oras ng alas-8 ng umaga hanggang ala-5 ng hapon.