Tuluyan ng inaresto ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) si dating Pangulong President Rodrigo Duterte matapos ilabas ng International Criminal Court or ICC ang warrant of arrest laban sa kanya.
Si Dating Pangulong Duterte ay inaresto matapos itong makabalik sa bansa mula sa Hongkong upang samahan sa kampanya ang mga senatorial candidate ng PDP-Laban.
Dumating sa VIP Arrival Area ng NAIA 3 ang dating pangulo kaninang umaga bagama’t unang naka-schedule ito sa hapon ng Martes.
Bago ang nasabing pag-aresto ay naging mahigpit ang isinagawang seguridad sa paliparan na kung saan ito ay napaligiran ng kapulisan at may ilang media personnel na naghihintay ng posibleng kaganapan sa naturang lugar.