Jose Panganiban, Camarines Norte – Matagumpay na isinagawa ang isang drug buy-bust operation ng Jose Panganiban MPS katuwang ang Provincial Police Drug Enforcement Unit (PPDEU) Camarines Norte at Camarines Norte Provincial Intelligence Unit (CNPIU), sa koordinasyon ng PDEA ROV, bandang alas-11:45 ng gabi nitong Marso 6, 2025 sa Purok 4, Barangay Calero, Jose Panganiban, Camarines Norte.
Kinilala ang suspek na si alyas “Ragonot,” 19 taong gulang, binata, delivery rider, at residente ng Purok 5, Barangay Parang, Jose Panganiban, Camarines Norte. Naaresto ang suspek matapos bentahan ng isang maliit na selyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu ang poseur buyer.
Nakuha rin sa pag-iingat ng suspek ang:
- Isang (1) maliit na selyadong plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu; at
- Isang (1) piraso ng Php 500.00 bill na may serial number EH639743 (buy-bust money).
Sa kasalukuyan, hindi pa matukoy ang eksaktong bigat at halaga ng nakumpiskang iligal na droga. Isinagawa ang pagmarka, imbentaryo, at dokumentasyon sa presensya ng mga mandatory witnesses kabilang ang nahalal na opisyal ng barangay at kinatawan ng media.
Ang suspek ay nasa kustodiya na ng Jose Panganiban MPS at sasampahan ng kasong paglabag sa Section 5 at Section 11 ng Article II ng RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002
source: Jose Panganiban Municipal Police Station