Labi ng dalawang piloto ng FA-50 Fighter dumating na sa Villamor Airbase

Dumating na sa Villamor Airbase ang dalawang nasawing piloto ng FA-50 fighter jet na sina Major Jude Salang-Ot at First Lt. April John Dadulla na pawang nasawi matapos makuha ang naturang fighter jet sa bahagi ng Mount Kalatungan Complex sa Bukidnon Province.

Dakung alas-3 ng hapon noong March 8 lumapag ang C-130 lulan ang dalawang piloto na kaagad naman ginawaran ng arrival honor at parangal ng Philippine Airforce (PAF)

Ang arrival honor ay pinangunahan ni DND Secretary Gilberto Teodoro Jr Special Assistant to the President Secretary Antonio Lagdameo Jr, AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr at ilan pang mataas na opisyales ng PAF.

Ayon kay PAF Spokesperson Col Consuelo Castillo, ang parangal na kanilang natanggap ay ang pinakamataas na parangal na iginagawad sa miyembro ng PAF na nagsagawa ng natatanging serbisyo at nagpakita ng katapangan, dedikasyon at husay sa tungkulin.

Sa kasalukuyan ay patuloy ang vigil sa Villamor Airbase at hindi pa tiyak kung hanggang kailan mananatili ang labi ng mga piloto sa Pasay subalit ito ay planong dalhin sa Basa Air Base sa Pampanga upang makita sila ng kapwa fighters pilot hanggang Martes ng gabi.

Nakatakda naman itong iuwi sa kani-kanilang probinsiya sa araw ng Miyerkules

Back To Top