Iminungkahi ng Commission on Election (COMELEC) na dapat umanong tanggalin ng mga mga lokal na opisyales ang kanilang mga posters sa mga proyekto ng gobyerno lalo na kung sila ay tatakbo sa nalalapit na National and Local Election 2025.
Ayon kay COMELEC Chairman George Garcia ito umano ay para maiwasan na sila may maireklamo dahil sa paggamit ng pondo ng kanilang bayan.
Ayon oa rito na hindi maiwasan na lagyan ng mga pangalan ang mga posters subalit hindi umano dapat lagyan ng larawan
Dagdag pa nito na hindi maiwasan na lagyan ng mga pangalan ang mga posters subalit hindi maganda ang maglagay pa ng larawan lalo nat sa mata ng kanilang katunggali ito ay isang uri ng pamumulitika na ginagamit ang pondo ng kanilang bayan.
Aminado naman si Garcia na habang papalapit na ang pagsimula ng pangangampanya ng mga local na kandidato ay dumarami ang mga bilang ng mga lumalabag sa batas na ipinatutupad ng ahensiya.