Isang lalaki arestado sa Buy-Bust Operation na isinagawa sa bayan ng Talisay

Daet, Camarines Norte – Arestado ng pinagsanib na puwersa ng Talisay MPS CNPIU at CN1st PMFC at CNPDEU sa pakikipag ugnayan sa PDEA ang isang suspek sa isinagawang drug buy-bust operation kaninang madaling araw ng Marso 7, 2025 sa Purok 3 Barangay Calintaan Talisay Camarines Norte.

Naaresto ang suspect na kinilala sa alyas na Andy 26 taong gulang, binata, isang drive at residente ng Barangay 6 bayan ng Mercedes, Camarines Norte

Nakumpiska at nasamsam sa operasyon ang mga sumusunod na ebidensya:

  • Isang (1) piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu (buy-bust item);
  • Isang (1) piraso ng limandaang pisong (PhP 500.00) (buy-bust money);
  • Apat (4) na piraso ng maliit na heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng pinaghihinalaang shabu (possession);
  • Isang (1) unit ng hinihinalang Caliber .38 na walang trademark at serial number; at apat (4) na bala para SA nabaing baril 

Sa kasalukuyan ang suspect ay kasalukuyang nasa Talisay Municipal Police Station kasama ang mga nakumpiskang ebidensiya na hindi pa maturan ang halaga.

source: CNPPO

Back To Top