Nagbabala ang Philippine Atmospheric, Geophysical, and Astronomical Services Administration (PAGASA) sa ilang probinsiya at siyudad sa bansa dahil sa posibleng umabot sa danger level ang heat index na mararanasan sa kanilang lugar.
Kabilang sa nasabing lugar ay ang mga sumusunod;
- Dagupan City, Pangasinan
- Iba, Zambalez
- Ambulong Tanauan, Batangas
- San Jose, Occidental Mindoro
- Cuyo, Palawan
Ang heat index ay nasusukat sa nararamdaman ng katawan ng isang tao na dulot ng sobrang unit ng panahon kasama na rin dito ang temperatura ng hangin.
Ayon sa PAGASA maaring umabot sa danger category ang heat index mula sa 42 degress Celcius hanggang 51 degrees celcius.
Gayunpaman ay makakaranas naman ng 40 degress celcius ang bahagi ng Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City at ang Science Garden sa Quezon City ay makakaranas ng 39 degrees sa ngayong araw ng biyernes.