Uniformed Class Suspension sa NCR ipinauubaya sa bawat alkalde

Walang ipapatupad na Uniformed na class suspension na ipapatupad sa tuwing makakaranas ng matinding init ng panahon ang Metro Manila, Ito ang naging pahayag ni Metro Manila Council President at San Juan City Mayor Francis Zamora.

Ayon pa sa kanya ay ipapaubaya na lang nila sa kapwa alkalde ang desisyon ng pagkansela ng klase dahil iba-iba umano ang sitwasyon sa bawat lungsod.

Ito ay sinang-ayunan ni MMC Chair Romando Artes na dapat ang mga alkalde ang magdesisyon dahil alam nila ang kalagayan ng kanilang lugar.

Gayunpaman kung sakali umanong magpasya ang Department of Education na magpatupad ng uniformed approached sa tuwing mayroong mataas na leval ng heat index ay kaagad naman nila itong susundin.

Back To Top