Wala na umanong dapat ipangamba ang sambayanang kristiyano sa kalagayan ni Pope Francis dahil nananatiling stable na ang kalagayan nito at hindi na kailangang gumamit ng mechanical ventilation para makahinga.
Matatandaan na dinala sa hospital ang santo papa halos dalawang linggo na ang nakakaraan at nakipaglaban sa double pnuemonia.
Siya na admit noong araw ng mga puso February 14 na may malubhang respiratory infection na nagtrigger ng iba pang komplikasyon sa kanyang katawan.
Sa kasalukuyan ay patuloy pa ding tumatanggap ang santo papa ng oxygen sa pamamagitan ng maliit na hose na nakalagay sa kanyang ilong.