Financial Literacy para sa mga PWDs ng lalawigan isinagawa

Daet, Camarines Norte – Isang pagsasanay ukol sa pamamahala ng pananalapi at financial literacy para sa mga taong may kapansanan ang isinagawa noong Pebrero 28, 2025 sa Pratesi Café sa Daet, Camarines Norte. Ito ay pinangunahan ng SUCCEED Livelihood Program at Ng Provincial Person’s with Disability Affairs Office sa pangunguna ni Dr. Rex Bernardo. Isang mahalagang hakbang ito tungo sa pagpapalakas ng kanilang kakayahan at kalayaan. Ang pagbibigay sa kanila ng mga kasanayang pang-ekonomiya ay hindi lamang isang gawa ng kabutihan, kundi isang pangangailangan.
Ang programang ito ay naglalayong bigyan ng kapangyarihan ang mga taong may kapansanan sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila kung paano mamahala ng kanilang pananalapi nang maayos at matalino.


Itinampok ang Velvet Box bilang oportunidad sa Livelihood Partnership sa pamamagitan ng Proprietor nito na si Prof. Jhun E. Alim, MBA and Faculty member ng CNSC-CBPA. Kanyang ipinaliwanag na higit pa sa pagtuturo ng mga teknikal na kasanayan, ito ay nagbibigay din ng pagkakataon sa mga kalahok na magkaroon ng kumpiyansa sa kanilang sarili. Ang pag-alam na mayroon silang kakayahang pangasiwaan ang kanilang sariling pananalapi ay nagpapalakas ng kanilang pagpapahalaga sa sarili at nagbibigay sa kanila ng lakas ng loob na harapin ang mga hamon sa buhay.


Nagbigay rin ng Mahalagang mensahe bilang Proponent at partners ng SUCCEED Sina Prof. Angeles M. Asay, JR.1, Ph.D. at Ms. Malyn M. Asay, MBA. Ayon sa kanila, ang pagsasanay daw na ito ay isang maliit na hakbang lamang, ngunit ito ay isang malaking tagumpay para sa mga taong may kapansanan. “Sana’y magpatuloy ang mga ganitong programa upang mas marami pang mga indibidwal ang mabigyan ng pagkakataon na mapaunlad ang kanilang buhay at makamit ang kanilang mga pangarap.”, anila


Ang pagbibigay ng pantay na oportunidad ay hindi lamang isang karapatang pantao, kundi isang responsibilidad nating lahat.

Back To Top