Palawakin natin ang Pagkilos at Palakasin ang Sigaw ng Maliliit na Mangingisda, Atin ang Kinse

Hinihiling ng hanay ng maliliit na mangingisda sa Korte Suprema na muling pag aralan at baliktarin ang desisyon ng kanilang 1st Division na dinideklarang unconstitutional ang pagkakaroon ng 15km municipal water na para lamang sa marginalized fishermen, ito ay ayon sa Local Government Code of 1991 at Republic Act 8550 o Fisheries Code of the Philippines na lalong pinagtibay ng RA 10654.

Ang disisyon ng 1st Division ng Korte Suprema ay magdudulot ng pinsala sa karagatan at sa mga mangingisdang dito lamang umaasa. Mababaliwala ang mga pagkilos ng mga Lokal na Pamahalaang malapit sa baybayin na mapangalagaan ang kanilang teritoryong katubigan.

Kailangang protektahan ng ating gobyerno ang mga karapatang pantao ng mga maliliit na mangingisda, kasama na ang kanilang karapatang pamahalaan at protektahan ang mga tubig na kanilang ginagamit para sa kanilang kabuhayan.

ATIN ANG KINSE kilometrong katubigan mula sa mga baybayin, atin itong protektahan laban sa malalaking palakaya na patuloy na gumagahasa sa ating karagatan!

Kailangan nating magkaisa para sa ating kabuhayan. Suportahan natin ang BFAR sa kanilang pagkilos para maiparating sa Supreme Court ang ating kalagayan.

Mangyaring i-repost o i-share ito sa inyong timeline o kaya ay gumawa ng inyong sariling panawagan para makarating sa Korte Suprema!

MANGINGISDA MAGKAISA AT ISIGAW NATIN NA ATIN ANG KINSE!

Back To Top