Matapos ang 24 na oras ay lalong lumala ang kalagayan ni Pope Francis na kung saan ay dumaranas ito ng prolonged ashtma-like respiratory crisis at nangangailangan ng pagsasalin ng dugo.
Matatandaang noong ika-14 ng Pebrero ay na-admit sa Gemelli Hospital si Pope Francis matapos ang ilang araw na makaranas ng hirap sa paghinga.
Siya ay nadiagnose na may double pneunomia naq patuloy namang ginagamot ng mga doktor nito.
Dahil dito inanunsiyo ng Vatican na hindi muna makapagpapakita ang santo papa sa publiko sa Linggo upang manguna sa panalangin kasama ang mga pilgrims.