Paracale, Camarines Norte – Isang babaeng pinaghihinalang tulak ng droga ang naaresto sa ikinasang buy-bust operation ng Paracale Municipal Police Station (MPS) at Philippine Drug Enforcement Agency – Regional Office V (PDEA ROV) sa Purok 6, Barangay Tugos, bandang 10:11 PM nitong Pebrero 18, 2025.
Kinilala ang suspek na si alyas “DADA,” 40-anyos, walang trabaho, at residente ng naturang barangay. Nahuli siya sa aktong nagbebenta ng hinihinalang shabu sa isang undercover na pulis na nagpanggap bilang poseur buyer. kung saan agad syang dinakip matapos tanggapin ang markadong ₱500.
Nakumpiska sa kanya ang mga sumusunod na ebidensya:
-Isang sachet ng hinihinalang shabu (buy-bust item)
-Dalawang sachet ng hinihinalang shabu (seized items)
-Isang markadong ₱500 bill
Tinatayang may kabuuang bigat na 2 gramo ang nakumpiskang droga, na nagkakahalaga ng ₱13,600. Mahigpit na isinagawa ang inventory at marking ng ebidensya sa presensya ng mga awtorisadong testigo.
Kasalukuyang nasa kustodiya ng Paracale MPS ang suspek, habang inihahanda ang kasong paglabag sa Republic Act 9165 (Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002).
Ayon kay PMAJ ARKHEMEDES C. GARCIA, Chief of Police ng Paracalae,
ay hindi titigil ang kapulisan sa pagsugpo sa ilegal na droga. Ang matagumpay na operasyon umano ay bahagi ng kanilang pangakong gawing ligtas, maayos at payapa ang bayan. Hinihikayat din nya ang publiko na makipagtulungan sa ating kapulisan sa pamamagitan ng agarang pag-uulat ng kahina-hinalang aktibidad sa kanilang lugar dahil kailangan ang pakikipagtulungan ng kumonidad upang maging matagumpay sa paglaban sa droga.
Patuloy umanong maghihigput Paracale MPS sa pagpapatupad ng batas upang mapanatili ang kaayusan sa bayan.