Patay ang isang Grade 8 Student ng Kidapawan National High School matapos aksidenteng mahulog mula sa ikaapat na palapag ng gusali ng paaralan noong umaga ng Pebrero 7, 2025.
Ayon sa impormasyon kasalukuyang isinasagawa ang flag raising ceremony sa Tungora nang mangyari ang insidente na nagdulot ng pagkaalarama sa boung paaralan.
Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya wala silang nakitang palatandaan na itinulak ang biktima habang kasalukuyan nilang sinusuri ang CCTV camera ng paaralan.
Sa kaugnay na balita ay naglabas naman ang pahayag ang Schools Division ng Kidapawan City na nagpaabot ng kanilang pakikiramay sa pamilya ng biktimang 13 taong gulang nag estuyante at ipinagkatiwala na din nito sa pulisya ang imbestigasyon.