10 patay matapos ang pamamaril sa isang paaralan sa Sweden

Nagpahayag ng kalungkutan si Swedish King Carl XVI Gustaf matapos ang insidente ng pamamaril sa isang paaralan sa Sweden na kung saan umabot na sa sampu ang kumpirmadong patay.

Ayon sa mga guro at mag-aaral sa paaralang matatagpuan sa Orebro, Sweden ng sila ay pasukin at pinagbabaril ng suspect na kaagad naman ikinasawi ng 10 sa loob mismo ng gusali.

Ayon sa kapulisan hindi umano maituturing na isa itong uri ng terorismo at pinaniniwalaan din na isa sa nasawi ang suspect kaya patuloy pa rin ang pagkuha ng pagkakakilanlan ng mga ito.

Ayon kay Prime Minister Ult Kristersson ang insedente ng pamamaril ay isa sa pinakamadugong pangyayari na naganap sa loob mismo ng isang paaralan.

Back To Top