Inilatag ng Embahada ng Pilipinas sa Estados Unidos ang 24/7 hotlines para a mga Pilipinong maaapektuhan sa pagpapatupad ng malawakang crackdown ng Trump Adminiswtration sa illegal na immigrants.
Nakabukas umano ang embahada sa mga biglaang sitwasyon na maaring idulot ng naturang kautusan ni US President Donald Trump.
Sa Washington DC, maaaring tumawag sa numerong 202-368-2767, sa Agana (Guam) – 671-488-4630, Chicago- 312-810-3019, Honolulu- 808-253-9446, Houston-346-256-4522, Los Angeles- 323-528-1528, New York-917-294-0196, habang sa San Francisco-415-269-2090.