Ipinanukala ni 1st District Zamboanga Khymer Adan Olaso sa Kamara ang House Bill 11211 o ang Death Penalty for Corruption Act o panukalang patawan ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng firing squad ang mga tiwaling opisyal ng pamahalaan na mahahatulan ng Sandiganbayan sa mga kasong graft and corruption, malversation of public funds at plunder.
Saklaw ng nasabing panukala ang lahat ng mga public officials mula sa pagkaPanunglo ng bansa hanggang sa mga opisyales ng barangay.
Kabilang rin dito ang Ehekutibo, Lehislatura at Hudikatura, Constitutional Commissions, GOCCs pati na rin ang miyembro ng Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police.
Makalagay din sa panukala ang ilang safeguards kung saan titiyakin ang due process at proteksiyon at ang mga hatol ay maaring i-akyat sa Korte Suprema para maisa-ilalim sa review at papayagan ang mga akusado na gamitin ang anumang legal remedies.