Sex Education suportado ni Pangulong Marcos

Image capture a bloomberg website

Nagpahayag ng pasuporta si President Ferdinand Marcos Jr na ituro ang asignaturang sex education sa mga paaralan dahil na rin sa patuloy na pagdami ng kaso ng early pregnancy o teenage pregnancy na naitala ng ilang ahensiya ng gobyerno.

Kabilang sa pinangangambahan nito ang pagkakaroon ng sakit ng mga kabataan na may kaugnayan sa pagbubuntis kaya dapat umano itong maituro upang maiwasan ang patuloy na pagdami ng bilang ng mga kabataang maagang maging isang magulang.

Kasama sa usapin ng Teenage pregnancy ay kung paano nila mapapangalagaan ang kanilang mga anak maging ang kanilang sarili kung sila ay mabuntis at kung ano ang magiging pagkakakitaan nila upang mapakain o mabigyan ng tamang nutrisyon ang kanilang mga anak.

Back To Top