Patuloy sa pag-ikot ang araw at patuloy din ang paglaki ng isyu tungkol sa isang Security Guard na nakitang nakikipag-away sa isang batang estudyante na nagtitinda sa paligid ng SM.
Ano ang katotohanan sa likod nito kung bakit humantong sa ganitong pangyayari. Sa loob lamang ilang minutong video ay nagdulot ito ng pagkasira ng kapalaran ng isang security guard at pagsikat naman at pag-ani ng papuri sa sampaguita girl.
Ito naman ang aking opinyon mga katanungan bago natin husgahan ang security guard na ito.
- Bago ang pangyayari ano ang pag-uusap sa pagitan ng guard at ng sampaguita vendor?
- Ano ang mandato ng naturang mall sa mga ambulant vendor sa mga security guard?
- Para naman sa nagvideo, nakunan mo ba ang boung pangyayari mula dumating ang bata o kinunan mo lang nung ito ay nagkakaroon na ng pagtatalo?
Samakatuwid hindi natin alam ang boung kuwento, nagfocus na lamang tao sa naging aksiyon ng guwardiya dahil yun lang ang ating nakita. Sa video talagang magagalit tayo sa guwardiya dahil sa ginawang pagsira ng mga paninda nito at pagsipa sa naturang bata. Alam natin na mali ito pero isipin pa din natin na nagkakaroon ng ganitong aktuwasyon ang isang tao dahil sa sobrang galit at maaring may nakapagtrigger dito kung bakit ganun.
Maari sigurong ilabas ng naturang mall ang boung kopya ng CCTV upang makita kung sino ang nagpasimula ng gulo dahil sa aking paniniwala ang mga guwardiya ng agency na humahawak sa mall na yan ay trained humawak sa mga ganyang sitwasyon.
Dahil sa dami ng mga hindi magagandang pangyayari sa Metro Manila marami ring netizen ang nakikisimpatiya sa guwardiya at sinasabing nag-imbestiga na muna sana bago ito tinanggal sa trabaho dahil sa kanya kanyang spekulasyon.
Tandaan po natin bago natin paniwalaan ang maikling video kailangan muna nating mag-imbestiga saka natin hatulan ang taong sangkot sa anumang pangyayari