CSC Memorandum Circular no. 16 pinasususpende ng ilang grupo ng public school teachers

Pinasususpende ng ilang grupo ng mga public school teachers ang pagpapatupad ng Civil Service Commission na itinuturing na Impractical Filipiniana-Inspired monthly dress code para sa mga pampublikong manggagawa ng bansa.

Sa sulat na ipinadala kay CSC Chairperson Marilyn Barua-Yap ng Teachers Dignity Coalition isinaad dito na hindi umano kumportable sa mga manggagawa na sundin ang naturang dress code lalo na sa mga kagururuan.

Nakapaloob na CSC Memorandum Circular no. 16 na pinag-uutos na lahat ng government workers ay kailangang magsuot ng Asean Inspired attire tuwing unang araw ng buwan at ang Filipiniana Outfit naman ay tuwing pangawala hanggang apat na Lunes.

Ayon kay Benjo Basas hindi umano nararapat na ipatupad ito sa mga kaguruan dahil sa kanilang working conditions na kung saan kailangan nilang lumipat ng kuwarto na kung saan kulang sa proper ventilation at hindi umano makakapagturo ng maayos kung sila ay naka Filipiniana o Asian Inspired Outfit lalo na sa panahon ng tag-init.

Loading spinner
Back To Top