Pagbibigat ng trapiko sa Andaya Highway patuloy pa rin habang papalapit ang araw ng Pasko

Asahan pa ang patuloy na pagbigat ng trapiko sa bahagi ng Andaya Highway Lupi, Camarines Sur habang papalapit ang araw ng Pasko.

Matatandaang dumagsa ang mga dumadaang biyahero sa naturang lugar matapos magkaroon ng Landslide sa Maharlika Highway Brgy Kabatuhan, Labo Camarines Norte na naging dahilan upang ipasara ang naturang kalsada na siya namang nag-uugnay sa bayan ng Labo at Sta Elena na siyang daanan ng mga biyahero patungo sa Metro Manila.

Dahil dito ay nadagdagan ang oras ng biyahe mula Lupi papuntang Naga City na umaabot na sa 5 hanggang anim na oras mula sa isat kalahating oras samantalang ang mga biyahero naman patungo sa Metro Manila ay umaabot ng 3 oras upang malampasan ang trapiko sa naturang lugar.

Isa umano sa dahilan ng trapiko ay ang isinasagawang widening project at mga sirang kalsada kasama na rin dyan ang mga butas at baku-bakong daan at ilang one way na daanan.

Samantala, binuksan na ng DPWH ang kalsada sa Barangay Kabungahan sa bayan ng Labo para lamang sa mga light vehicles.

Loading spinner
Back To Top