Mga pasahero dumagsa sa mga Pantalan habang papalapit ang araw ng pasko

Habang papalapit ang kapaskuhan ay unti-unti namang dumadagsa ang mga pasahero sa mga daungan papasok at palabas ng rehiyong bicol. Sa kasalukuyan ay naitala ang 5000 bilang ng mga pasahero samantalang 3000 naman dito ay outbound pasenger o kaya naman ay palabas ng kabikulan patungo sa visayas at mindanao region.

Ayon sa tagapagsalita ng Philippine Coast Guard Bicol Ensign Alyzza Bermal na nakahanda ang kanilang tanggapan kung sakaling lumubo pa ang bilang ng mga pasahero sa mga pantalan.

Aniya, tinututukan ngayon ang pagpapatupad ng seguridad upang masiguro na ligtas ang mga biyahero.

Nabatid na nagpakalat na rin ng nasa 300 na mga tauhan ang tanggapan sa mga pantalan sa rehiyon.

Sa kasalukuyan ay tinututukan umano nila ang pagbibigay ng asistensiya sa mga pasahero kung may mga kailangan ito ay pagsiguro ng mga dokumento ng biyahe,.

Samantala, nagpakalat na rin ng K9 units upang maharang ang mga iligal na kontrabando na posibleng ipuslit sa mga pantalan.

Loading spinner
Back To Top