Alinsunod sa Executive Order No. 47, idineklara ang December 18, 2024 bilang Special Non-Working Holiday sa buong Bayan ng Maragondon, kaugnay ng taunang selebrasyon ng ๐๐ฎ๐๐ฎ๐๐ฎ๐ป ๐๐ฒ๐๐๐ถ๐๐ฎ๐น.
===========
Non-working day o walang pasok sa mga eskwelahan at tanggapan ng pamahalaan sa Tuguegarao sa December 18-ang 25th o silver anniversary ng pagiging siyudad ng Tuguegarao.
Batay ito sa Presidential Proclamation Number 744 na pinirmahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin noong November 12,2024.
Dalawampuโt limang taon na ngayon ang Tuguegarao bilang component city at capital ng Cagayan Province. Naging ganap na siyudad ang Tuguegarao noong December 18,1999 sa pamamagitan ng naipasang RA 8755. Ang unang naging City Mayor ng Tuguegarao ay si Ginoong Randy Ting na anak ni dating Mayor Delfin Ting.
Batay sa kasaysayan, naging capital town ng Cagayan province ang Tuguegarao noong 1839. Ang lugar na Tuguegarao ay hinango sa katagang Ibanag na โTuggui gare yawโ na ang ibig sabihin ay apoy o fire sa wikang Ingles.
Ipinapakilala din ang Tuguegarao bilang Premier Ibanag City sa buong Pilipinas.