Pagtapyas ng pondo sa sektor ng edukasyon, kalusugan lubos na ikinadismaya ng senador

Nagpahayag ng pagkadismaya si Sen. Pia Cayetano matapos matapyasan ng malaking pundo ang Department of Health at Department of Education sa katatapos na Budget Hearning para sa 2025.

Umaabot sa 25.80 bilyon ang pondong ibinaba ng DOH samantalang umabot naman sa 11.57 bilyon sa Department of Education.

Ayon kay Cayetano, lumalabas na hindi prioridad ang DOH at Deped na kung saan ito ay may pinakamalaking responsibilidad sa boung bansa.

Direktang tinamaan aniya ng pagtapyas ang milyun-milyong Pilipino na nahihirapan nang panatilihin ang kanilang pamilya na maging malusog, at maipadala ang kanilang mga anak sa paaralan. 

Dagdag ng senadora, dapat na iprayoridad ng gobyerno ang edukasyon at kalusugan kung nais na bumuo ng isang malakas at maayos na kinabukasan sa lahat. 

Loading spinner
Back To Top