Tila nasa Hot Seat ang Philippine Health Insurance Corporation (PHILHEALTH) dahil sa balitang paglalaan ng P138 Milyong pundo para sa kanilang Christmas Party na kaagad naman itong pinabulaanan ng pamunuan.
Ayon sa state health insurance ang naturang halaga umano ay kanilang inilaan para sa pagdiriwang ng ika-30 anibersaryo para sa mga susunod na taon na alinsunod sa pag-obserba ng National Health Insurance Month kada buwan ng Pebrero na idineklara sa bisa ng Proclamation 1400 s.2007
Ayon pa sa kanya sinusunod nila ang alintuntunin ng Malakanyang na gawing simpleang selebrasyon ng mga ahensiya ng gobyerno ang pagkakaroon ng Christmas Party.
Ang naturang isyu ay lumabas matapos ipahayag ni Dr. Tony Leachon na siyang naglathala na isang screenshot ng umano’y dokumento ng Philhealth na nagpapakita na may mahigit 137 milyong pundo ang ahensiya na inilaan para sa ibat ibang items tulad ng token, giveaways, commemorative medals at iba pa.