BAI, tiniyak ang mahigpit na pagbabantay sa naitalang bird flu cases sa Camarines Norte

Patuloy ang mahigpit na pagbabantay ng Bureau of Animal Industry (BAI) sa lalawigan ng Camarines Norte partikular sa bayan ng Talisay na kung saan kinakitaan ng positibong sakit ang mga itik mula sa isang farm noong Desyembre 6, 2024/

Natuklasan ang highly pathogenic avian influenza type A subtype H5N2 na naturang bayan at ito rin ang kauna-unahang naitala kaso ng bird flu strain sa bansa at unang kaso naman ng avian influenza sa lalawigan.

Sa kasalukuyan ay sumasailalim sa culling o pagpatay ang mga natitirang itik upang tiyakin na hindi na kumalat ang naturang sakit.

Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng ahensiya upang malaman ang pinagmulan ng mga infected na alaga.

Loading spinner
Back To Top