Isang malawakang kilos protesta ang nakatakdang ilunsad ng religous group na Iglesia ni Cristo (INC) upang ipahayag ang kanilang suporta kay Vice-President Sara Duterte na nakatakdang hainan ng Impeachment.
Ayon sa sekta mas kailangan pa umanong pagtuunan ng pansin ang maraming problemang kinakaharap ng bansa.
Nilinaw nito na ang kanilang kilos protesta ay para sa kapayapaan at ayaw nila ng anumang kaguluhan na maaring pagsimulan sakaling matuloy ang impeachment complain laban sa pangalawang pangulo.
Bago pa man ito ay nagpahayag na ang Pangulong Marcos na hindi ito sumasang-ayon sa pagkakaroon ng impeachment laban kay Duterte dahil uubos lang ito ng panahon sa mga mambabatas na dapat pagtuunan ng pansin ang pagresolba sa mga problema ng bansa.