Higit 50,000 na indibidwal, apektado ng shearline- DSWD

Umabot sa 50,000 katao ang naapektuhan ng mga pag-ulan at baha dahil sa shearline na umiiral sa bansa.

Sa report ng DSWD pumalo sa 13,912 pamilya ang apektado ng kalamidad na nanalasa sa bahagi ng Bicol Region at Western at Central Visayas na may katumbas na bilang na 55,000 katao.

Sumampa na rin sa 431 na pamilya o 1,445 indibidwal ang kasalukuyang namamalagi ngayon sa mga itinalagang evacuation centers sa mga lugar na naapektuhan.

Nasa 26 na pamilya na ang nakikituloy ngayon sa kani-kanilang mga kamag-anak matapos na maapektuhan ng kalamidad.

Tiniyak naman ng Department of Social Welfare and Development na magtutuloy-tuloy ang kanilang tulong sa mga apektadong lugar.

Patuloy rin ang pakikipag-ugnayan ng ahensya sa mga lokal na pamahalaan at NGOs para masigurong mabibigyan ang lahat ng mga nasalanta ng kalamidad.

source: Bombo Radyo Philippines

Loading spinner
Back To Top