Pagbibigay ng Guarantee Letter ng DSWD pansamantalang ititigil

Pansamantalang ititigil ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang pagbibigay o pag-iisyu ng Guarantee Letter (GL) sa ilalim ng Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) Program sa lahat ng opisina ng ahensya sa buong bansa.

Samantala, patuloy pa rin ang pamimigay ng cash assistance para sa ating mga kwalipikadong benepisyaryo na hindi lalampas sa Php10,000.

Ang hakbang na ito ay isinasagawa para sa annual liquidation bilang bahagi ng taunang fiscal obligation alinsunod sa mandato ng Department of Budget and Management (DBM) at mga naaangkop na batas.

Makakatulong din ang pansamantalang suspensyon na ito sa pagsasaayos ng mga kinakailangang dokumento para maiproseso ang bayad sa mga service providers na nagbigay ng serbisyo sa mga kliyenteng nakatranggap ng tulong sa pamamagitan ng GL.

Maraming salamat sa inyong pang-unawa.

Source: DSWD 

See less

Loading spinner
Back To Top